2nd tranche ng SAP sa Quezon City, maayos nang naipamahagi ng DSWD

177

Abot a 168,172 waitlisted families ang nakuha na ang kanilang second month payment sa pamamagitan ng GCash.

Simula naman sa Nobyembre 3 hanggang 15, ipamamahagi sa pamamagitan ng Starpay ang ikalawang buwang ayuda para sa 134,406 benepisyaryo mula sa first tranche, pati na ang 114,048 na benepisyaryong waitlisted.


May waitlisted families din ang makakakuha ng kabuuang P16,000 dahil hindi nila nakuha ang kanilang unang buwang ayuda.

Ang payout ng Starpay ay makukubra sa M. Lhuiller, Cebuana Lhuiller at Western Union.

Kasabay nito, gagawin din ang manual payout o offsite pay-out alinsunod sa clustering ng mga barangay kung saan makikipag-ugnayan ang Starpay sa lokal na pamahalaan.

Target naman ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na maserbisyuhan ang 3,000 benepisyaryo kada-araw.




Facebook Comments