2nd wave ng COVID-19 outbrake, nararanasan na ng Pilipinas

Sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole, inihayag ni Department of Health Secretary Francisco Duque III na nangyayari na ngayon sa Pilipinas ang second wave ng COVID-19 outbreak.

Ipinaliwanag ni Duque na base sa pahayag ng Epidemiologist na si Dr. John Wong, ang first wave ng COVID-19 outbreak sa bansa ay nag-umpisa noong January nang magpositibo sa virus ang tatlong Chinese nationals mula sa Wuhan China.

Ayon kay Duque, ang second wave ay nangyari noong Marso ng magkaroon ng local transmission at tumaas ng husto ang kaso ng COVID-19 sa bansa.


Sabi ni Duque, nakontrol na daw ang pagtaas ng nahahawaan ngayon.

Pero pagkwestyon ni Senator Kiko Pangilinan, paano masasabi ni Duque na kontrolado na ang pagtaas ng COVID-19 cases kung hindi pa naman tayo nakapagsasagawa ng mass testing.

Facebook Comments