Inihayag ng Chief of Staff ng Mandaluyong City na si Jimmy Isidro, na ipagpapatuloy ngayong araw ang pamamahagi ng food packs sa mga mahihirap na pamilya ng Mandaluyong na apektado ng Enhanced Community Quarantine.
Sa 2nd wave ng food distribution ay mabibigyan na ang 27 Barangay ng nasabing Lungsod ng food assistance.
Kaya lang ito ay para lamang sa mga mahihirap o indigent na pamilya ng Lungsod, kasama na ang mga umupa pero kabilang sa category ng indigent.
Samantala, sinabi rin nito na nangangailangan ng Medical Staff ang Mandaluyong City Health Office, tulad ng Doctor, Nurses at Medical Technicians.
Maaaring tumawag sa 0916-255-8130 at 0961-571-6959 at hanapin si Dr. Alex Sta. Maria.
Sa ngayon, ang Mandaluyong ay nanatili pa rin nasa 39 ang bilang ng kaso ng Corovirus Disease 2019 o COVID 19 at 9 na ang nasawi.