NPC, pag-alala sa Maguindanao massacre

Pinangunahan ni National Press Club (NPC) President Paul Gutierrez at Presidential Task Force on Media Security Usec. Joel Egco ang pag-alala sa Ampatuan o Maguindanao massacre.

Isang misa ang ginanap sa gusali ng NPC na sinundan nang pagtitirik ng kandila.

Kaugnay nito, pinayuhan ni Egco ang mga mamamahayag na mag-iingat sa pag-post sa social media.


Lumalabas aniya kasi na ilan sa mga pinapatay na mamamahayag ay bunga ng kanilang post sa Facebook.

Facebook Comments