NCSC Chair Quijano, pinatawan ng preventive suspension ni PBBM

Pinatawan ng preventive suspension ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si National Commission for Senior Citizens Chairperson Atty. Franklin Quijano.

Ang suspension order ay magtatagal ng 90 araw.

Kaugnay ito ng reklamo Gross Neglect of Duty and Grave Misconduct na inihain ng isang Jose Francisco Tapia.


Batay sa dokumento, layon ng suspensyon na maiwasan ang posibilidad na maimpluwensyahan ang imbestigasyon sa akusasyon laban kay Quijano.

Ang suspension order ay may petsang July 9, 2024 at effective immediately.

Facebook Comments