Ikinalugod ni 1-Rider Party-list Representative Rodge Gutierrez ang paglalabas ng Commission on Elections (Comelec) ng form para sa mga nais na bumawi ng kanilang pirma sa petisyon kaugnay ng People’s Initiative (PI) para sa charter change (Cha-cha).
Kapuri-puri para kay Gutierrez ang ginawa ng Comelec na tuparin ang mandato nito sa ilalim ng Konstitusyon at mga batas na nagpapakita umano ng malinaw na senyales ng demokrasya sa bansa.
Diin ni Gutierrez, ang desisyon ng Comelec na maglabas ng withdrawal form ay isang patunay na walang pilitan ang pagpirma sa PI.
Dagdag pa ni Gutierrez, wala ring napatunayan ang Senate Committee on Electoral Reforms and People’s Participation kaugnay ng bintang na nabayaran ang mga pumirma sa People’s Initiative.
Bunsod nito ay nanawagan si Gutierrez sa Senado na huwag ng guluhin ang inisyatiba kaugnay ng PI sabay giit na ito ay karapatang ipinagkaloob ng Konstitusyon sa mga Pilipino.