PBBM, nagpasaklolo sa Vietnam sa patuloy na panghaharass ng China sa barko ng Pilipinas sa Ayungin Shoal at Bajo de Masinloc

Nagpasaklolo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Vietnam kaugnay sa patuloy na paglabag ng China sa international law hinggil sa mga usapin sa South China Sea.

Sa courtesy call, sa pagitan ni Pangulong Marcos Jr., at Vietnamese Prime Minister Pham Mhin Chinh, tila nagsumbong ang pangulo na nanatili aniyang may hindi pagkakaunawan ang China at Pilipinas pagdating sa South China Sea.

Ayon kay Pangulong Marcos Jr., hanggang sa ngayon ay may gumagawa ng ilegal na aksyon sa South China Sea na lumalabag sa hurisdiksyon at soberanya ng Pilipinas na nagiging dahilan ng pagkakaroon naman tensyon sa rehiyon.


Binanggit ng pangulo kay PM Chinh ang ilang insidente ng panghaharass ng Chinese Coast Guard (CCG) sa barko ng Pilipinas sa Ayungin Shoal at Bajo de Masinloc.

Patuloy naman aniyang tumatalima ang bansa sa 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

Dahil dito, sinabi ni Pangulong Marcos Jr., na handa umano ang Pilipinas na makipagtulungan sa Vietnam sa pagsusulong ng rules-based international order sa South China Sea.

Facebook Comments