Pangulong Ferdinand Marcos Jr., biyaheng Saudi Arabia bukas ng umaga

Lilipad na bukas ng umaga patungong Riyadh, Saudi Arabia si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ito ay upang dumalo sa 1st ASEAN Gulf Cooperation Council (GCC) Summit.

Batay sa anunsyo ng Presidential Communications Office (PCO), alas-7:30 ng umaga bukas darating ang pangulo sa Maharlika Presidential Hangar, Villamor Air Base, Pasay City para sa departure ceremony at inaasahang magbibigay ito ng departure message.


Inaasahang makakasama ng pangulo sa departure ceremony ay sina Vice President Sara Duterte-Carpio, Executive Secretary Lucas Bersamin, Secretary Anton F. Lagdameo Jr. – Special Assistant to the President, PCO Secretary Cheloy E. Velicaria-Garafil, General Romeo SBrawner, AFP Chief of Staff, at iba pang mga cabinet secretaries.

Una nang inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA), na isang araw lamang mananatili sa Riyadh, Saudi Arabia ang pangulo.

Pero hindi mawawala sa kanyang schedule ang pakikipagkita sa Filipino community.

Mayroong 2.2 milyong Pilipino sa Gulf, pitong raang libo rito ay nakatira sa Saudi Arabia.

Aasahan naman magkakaroom ng bilateral meeting ang pangulo sa Hari ng Kingdom of Saudi Arabia at Bahrain officials.

Aasahan rin ang business rountable ng pangulo sa Arab businessmen at ministry of investment ng Saudi Arabia.

Facebook Comments