PBBM, wala pang napipili na magiging pinuno ng DepEd; pagbibitiw ni VP Sara, sa susunod na buwan pa magiging epektibo – Malacañang

Wala pa ring nakalinya na papalit bilang kalihim ng Department of Education (DepEd) o kahit Officer-in-Charge ng kagawaran ayon sa Palasyo ng Malacañang.

Ito’y kasunod ng pagbibitiw ni Vice President Sara Duterte bilang kalihim ng DepEd at Vice Chairperson ng NTF-ELCAC.

Paglilinaw ni Presidential Commumications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil, nanatili paring kalihim ng DepEd si VP Sara hanggang sa ngayon dahil sa July 19 pa magiging epektibo ang kaniyang pagbibitiw.


Matatandaang nakasaad sa resignation letter ni VP Sara na may 30 araw na transition para sa bagong secretary ng DepEd.

Nauna na ring sinabi ng DepEd na nakatutok sila ngayon sa maayos na transition ng liderato ng ahensya at hindi na muna magbibigay ng anopamang detalye.

Facebook Comments