Pulis, patay habang isa ang sugatan makaraang maka-engkwentro ang isang Chinese kidnap-for-ransom group

Nasawi ang isang pulis matapos maka-engkwentro ang dalawang Chinese na suspek umano sa kidnap-for-ransom ng mga kapwa Chinese sa Angeles City, Pampanga.

Sa ulat ng Philippine National Police-Anti Kidnapping Group (PNP-AKG), kinilala ang nasawing pulis na si Police Staff Sergeant Nelson Santiago.

Habang sugatan din sa operasyon ang kapwa pulis na si Police Chief Master Sergeant Eden Accad.


Ayon sa PNP-AKG, nakipag-ugnayan ang Chinese attaché noong Biyernes sa kanilang tanggapan para masagip ang 2 biktima na dinukot sa Makati.

Ang mga kidnappers na kinilalang sina Hu Kai at Ryu Don ay nag-demand umano ng ₱8 million para mapalaya ang dalawang biktima.

Sa naturang operasyon, nasagip ang mga biktima at naaresto naman ang mga suspek.

Nakumpiska sa mga ito ang isang .45 pistol, .38 revolver, drug paraphernahlia at ilang kutsilyo.

Habang naisugod pa sa pagamutan ang pulis na si PSSg Santiago ngunit idineklarag dead on arrival.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng AKG ang mga suspek kung saan mahaharap ang mga ito sa patong-patong na reklamo.

Facebook Comments