Regulasyon sa paggamit ng artificial intelligence at automation systems sa labor industry, inilatag sa Kamara

Inihain ni Quezon City Representative Juan Carlos Atayde ang House Bill 9448 o ‘Protection of Labor Against Artificial Intelligence Automation Act’.

Laman ng panukala ang mga nararapat na regulasyon sa paggamit ng artificial intelligence (AI) at automation systems sa labor industry.

Base sa panukala, ipagbabawal sa mga employer o recruitment entity na gumamit ng AI o automated system bilang basehan sa pagkuha o pagsibak sa kanilang mga empleyado.


Ipagbabawal din ang pagtatanggal, pagbabawas ng sahod o benepisyo at pag-alis sa trabaho ng mga manggagawa para palitan ng AI o automated system maliban na lamang kung sila ay bibigyan ng bagong trabaho.

Papahintulutan naman ang paggamit ng isang kompanya ng AI o automated technology para sa operasyon nito kung mapatutunayan na valid ang pagpapatupad nito ng retrenchment at aprubado ito ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Layunin ng panukala ni Atayde na maproteksyunan ang mga manggagawa na maaaring maapektuhan sa paggamit ng makabagong teknolohiya sa sektor ng paggawa.

Facebook Comments