Ayaw bigyan ni Senate President Chiz Escudero ng kahulugan ang pagtawag ni Vice President Sara Duterte sa sarili bilang “designated survivor”.
Sa unang pagkakataon ay hindi dadalo si Duterte ng SONA ni Pangulong Bongbong Marcos sa Hulyo 22.
Ayon kay Escudero, posibleng nasabi lamang ito ni VP Duterte para gawing magaan ang kanyang excuse sa hindi pagdalo sa SONA.
Samantala, sa tingin naman ni Senator Sherwin Gatchalian, hindi naman ipinakakahulugan ni VP Duterte na mangyayari ang tulad sa US series na “Designated Survivor” kung saan namatay ang lahat ng lider ng Estados Unidos matapos dumalo sa State of the Union Address.
Aniya, hindi niya alam kung ano talaga ang nasa isip ng bise presidente pero maaaring naiisip lamang ni Duterte na siya na ang “next in line” at bahagi ng kanyang responsibilidad ang maging handang pumalit sakaling hindi maka-function ang pangulo.