Senado, ipina-subpoena na si Pastor Apollo Quiboloy

Ipina-subpoena na ng Senado si Pastor Apollo Quiboloy para ma-obliga itong humarap sa pagdinig tungkol sa mga reklamo ng pang-aabuso ng ilang mga miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC).

Ngayong umaga lamang nilagdaan ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang subpoena ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality at ngayong araw din pinahaharap si Quiboloy sa komite.

Matatandaang sa dalawang nakaraang pagdinig ng komite ay hindi dumalo si Quiboloy at tanging abogado lamang nito ang pinaharap sa Senado.


Ayon kay Senator Risa Hontiveros, kailangang si Quiboloy mismo ang humarap sa imbestigasyon ng komite para sagutin nito ang mga personal na alegasyon tulad ng human-trafficking, sexual exploitation at iba pang pang-aabuso mula sa mga kamay ng pastor.

Matatandaan namang nagmamatigas si Quiboloy na hindi haharap sa pagdinig ng Senado at sa korte lamang siya haharap kung may mga reklamo.

Facebook Comments