Bumisita ngayong araw si Committee on National Defense and Security Chairman Senator Panfilo “Ping” Lacson sa Palawan at Pag-asa Island.
Sinalubong si Lacson sa Puerto Princesa City, Palawan ng mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Command.
Agad dumiretso si Lacson sa Pag-asa Island na sakop ng hurisdiksyon ng munisipalidad ng Kalayaan.
Ang pag-asa Island din ang ikalawa sa pinakamalaking isla sa pinag-aagawang bahagi ng West Philippine Sea (WPS).
Kasama ni Senator Lacson na nagtungo sa Pag-asa Island sina Partido Reporma president at dating House Speaker Pantaleon ‘Bebot’ Alvarez, Secretary-General and Davao del Norte Gov. Edwin Jubahib, party spokesman Ashley ‘Ace’ Acedillo, dating Philippine National Police o PNP chief Guillermo Eleazar, at dating Interior Secretary and National Unity Party Chairman Ronaldo Puno.
Layunin ng pagtungo ni Lacson sa Pag-asa Island na konsultahin ang mga residente doon at mga mangingisda na apektado ng tensyon sa WPS.
Nakatakda ring tumanggap ng briefing hinggil dito si Lacson mula sa AFP WesCom.
Ang hakbang ni Lacson ay bahagi sa ginagawa nitong pag-aaral kung paano matutugunan ang problema sa WPS.