Taiwan, nag-donate ng higit 11 milyong pisong halaga ng tulong para sa mga biktima ng lindol sa Abra

Nagdonate ang Taiwan ng 200,000 US Dollars o mahigit 11 milyong pisong halaga ng tulong para sa mga biktima ng lindol sa Hilagang Luzon.

Ito ay upang suportahan pa lalo ang disaster relief operations ng gobyerno sa mga earthquake victims.

Pormal na tinurn over ni Taipei Economic and Cultural Office in the Philippines (TECO) Representative Peiyung Hsu ang donasyon kina Manila Economic and Cultural Office Chairperson Silvestre Bello III kasama si Abra Governor Dominic Valera.


Dito ay nagpahayag ng simpatya si Hsu sa mga nabiktima ng lindol at nagpaabot ng pakikiramay sa mga pamilyang namatayan.

Tiniyak naman nito na patuloy ang pakikipagtulungan ng Taiwan sa Pilipinas hinggil sa disaster prevention at climate resilience.

Mababatid na tinamaan ng magnitude 7 na lindol ang Abra noong July 27.

Facebook Comments