Inaalam na ng House Committee on Appropriations kung may katotohanan ang report na tumanggap ang distrito ni Davao City Rep. Paolo Duterte ng ₱51-B mula sa unprogrammed funds.
Ayon kay Committee Chairman at Ako Bicol Partylist Representative Elizaldy Co, pinahahanap na niya ang mga dokumento hinggil sa nasabing impormasyon.
Base sa narinig na kwento ni Co, noong 18th Congress umano nai-release ang nabanggit na napakalaking pondo sa south sa Mindanao, lalo na sa Davao na tinatawag daw na Holy Land.
Diin ni Co, sobra-sobra ang nabanggit na halaga dahil ang average amount ng alokasyon sa bawat distrito ay 500 million pesos lamang hanggang ₱1-B at maituturing ng sacred cow ang makatatanggap ng 2 hanggang 4 na bilyong piso.
Facebook Comments