Posibleng maglabas na ang korte ng warrant of arrest laban sa tatlong Vivamax stars na sinampahan ng reklamo ng Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas Incorporated (KSMBPI).
Partikular ang kasong obscene publication in relation to cybercrime na isinampa laban
kina AJ Raval, Ayanna Misola at Azi Acosta dahil daw sa pagpo-post ng malalaswang video online.
Ayon kay Atty. Mark Tolentino, abogado ng KSMBPI, submitted for resolution na kasi ang reklamo kaya posibleng mailabas na ang warrant of arrest bago mag-Pasko.
Nagbabala rin si Atty. Tolentino sa iba pang social media influencers na nagpo-post ng malalaswang video online na hindi malayong kasuhan din nila ang mga ito.
Nitong nakalipas na Miyerkules, humarap sa Pasay City Prosecutor’s Office ang tatlong Vivamax stars para maghain ng kanilang counter affidavit.
Sa kanilang kontra salaysay, itinanggi nila na may kontrol sila sa pag-upload ng videos sa kanilang verified Facebook accounts.
Bagama’t iginiit ng tatlo na bahagi ito ng freedom of expression, freedom of the press at
expression of arts.