*Cauayan City, Isabela*- Narekober ng mga awtoridad ang tumitimbang na 3.2 na kilo ng pinatuyong dahon ng Marijuana na tinatayang nasa P408,000.00 pesos sa inilatag na checkpoint sa Barangay Poblacion, Tingalayan, kalinga.
Ayon sa ulat ng Tinglayan Municipal Police Station, nakatanggap sila ng impormasyon na may dalawang katao ang sakay ng motorsiklo at ilang sandal pa ay mistulang nakahalata ang dalawang pinagsusupetsahang mga riders dahil agad na umalis sa checkpoint.
Agad naming hinabol ng mga operatiba ang mga nasabing suspek subalit ang backrider nito ay aksidenteng nahulog ang isang sako ng hinihinalang marijuana kaya’t pinatakbo ng mabilis ang motorsiklo patungo sa direksyon ng Mt. Province
Nakumpirma na ang laman ng sako ay dalawang (2) bricks ng dried marijuana na may timbang na 1.2 kgs. at dalawa pang marijuana na nasa hugis pahaba at tumitimbang ng kalahating kilo
Ang narekober na marijuana ay may halong pigeon pea o mas kilala sa tawag na “kardis”
Napag alaman pa na ang mga nakukuhang marijuana ay dinadala sa Tabuk City at pawing mga menor de edad ang ginagamit sa mga iligal na Gawain tulad nito.