3.2 million COVID-19 vaccines, inaasahang darating sa bansa ngayong araw

Sasalubungin ngayong araw ng pamahalaan ang 3.2 million COVID-19 doses, na itinuturing na pinakamalaking single-day vaccine arrival.

Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., ang mga bakuna ay mula sa Pfizer-BioNTech at Sinovac Biotech.

Ang isang milyong doses ng Sinovac vaccines ay darating sa NAIA Terminal 2 mamayang alas-7:30 ng umaga.


Ang Chinese vaccines ay kukunin mula sa Beijing sa pamamagitan ng Cebu Pacific flight 5J671.

Nasa 2,279,160 doses ng Pfizer vaccines ang darating sa NAIA Terminal 2 mamayang alas-9:00 ng gabi sa pamamagitan ng DHL flight na donasyon mula sa COVAX facility.

Kapag dumating ang mga bakuna ay agad itong ipapadala sa cold chain facility na Pharmaserv Express sa Marikina City.

Ilalaan ang tig-210,600 doses ng Pfizer sa Metro Cebu at Metro Davao habang ang natitirang vaccine supply ay mapupunta sa Metro Manila.

Facebook Comments