3.2M indibidwal, fully vaccinated na laban sa COVID-19

Umabot na sa 4.5% o 3,209,242 indibidwal mula sa target na 70 milyong populasyon ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, nasa 12,703,081 dose ng COVID-19 vaccine ang naiturok na sa Pilipinas hanggang nitong Hulyo 8.

Aniya, pumapatak sa average na 200,000 bakuna ang naituturok kada araw.


Nasa 9,493,839 indibidwal naman ang naturukan ng unang dose o 13.4% ng 70 million target.

Facebook Comments