3.3 million na consumers, nakinabang sa Pantawid Liwanag Program

Aabot sa 3.3 Million na mga electric consumers ang nakinabang sa Pantawid Liwanag Program.

Ayon kay Rural Electric Consumers and Beneficiaries of Development and Advancement, Inc. (RECOBODA) Representative Godofredo Guya, sa tulong ng 121 electric cooperatives sa bansa ay nakapaglaan sila ng P382 million para sagutin ang kuryente ng mga kababayang kabilang sa marginalized sector at pinakamahihirap na pamayanan sa mga probinsya sa bansa.

Tiniyak ni Guya na hanggat nasa community quarantine ang maraming lugar sa bansa ay patuloy ang pagbibigay ng tulong ng mga electric coops sa mga mahihirap na consumers.


Samantala, sumulat din ang Kongresista sa mga generating companies na i-invoke ang “force majeure” provision ng Power Supply Agreement (PSA) para pakinggan ang hinaing ng mga cooperatives at consumers na i-adjust ang electric bills upang hindi naman mabigatan ang mga consumers sa panahon ng krisis.

Aminado ang Kongresista na ilan sa mga households ngayon ay tumaas ang konsumo sa kuryente dahil bukod sa nasa tahanan ang mga tao dahil sa quarantine ay sobrang init na rin ng panahon.

Facebook Comments