3.3 million na estudyante, hindi pa rin nakaka-enroll ngayong school year – DepEd

Aabot sa 3.3 million na estudyante ang hindi pa rin nakakapag-enroll ilang linggo bago ang pormal na pagbubukas ng klase sa October 5.

Batay sa enrollment data ng Department of Education (DepEd) mula nitong September 17, umabot na sa 24.49 million ang nakapag-enroll sa public at private schools para sa School Year (SY) 2020-2021 o 88.19% ng SY 2019-2020 enrollment.

Nasa 22.33 million na estudyante ang naka-enroll sa public schools at 2.10 million sa private schools.


Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, nag-aalok ang DepEd ng parallel learning system para sa kasalukuyang formal instruction na tinatawag na Alternative Learning System (ALS) para sa tumataas na bilang ng out-of-school youth (OSY) sa harap ng pandemya.

Sinabi ni Briones na ang mga hindi pa nakakapag-enroll ay maaari pang tumanggap ng late enrollees ang mga eskwelahan hanggang Nobyembre.

Aminado ang DepEd na mababa pa rin sa 50% ang enrollement turnout sa mga private schools.

Facebook Comments