Tinatayang nasa 3.4 Million Pesos na marijuana plantation ang binunot sa Brgy. KIMLAWIS, Kiblawan, Davao Del Sur noong Biyernes Santo, Abril 19, 2019.
Sa report ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA, sa inilunsad nilang “ibot marijuana” kasama ang PNP at AFP, aabot sa limang ektarya sa marijuana ang nadiskubre.
Dagdag nito, napagdesisyunan ng otoridad na sunugin ang iilan sa mga nakuhang marijuana doon sa area para mabawasan ang pagdala nito sa designated area kung saan nakatakdang sunugin ang lahat ng nakumpiska.
Kaugnay nito, pinuri ni Davao Del Sur Police Provincial Office Provincial Director, PCOL Alan B Manibog ang tropa sa pagsagawa ng operasyon kahit na posibleng may presensya ng New People’s Army o NPA sa lugar.
Facebook Comments