Umabot na sa mahigit P3.4-milyon na ang naitulong ng pamahalaang panlalawigan sa mga displaced OFWs, ito ay base sa report ng Pangasinan Provincial Employment Services Office matapos bisitahin ang pang-28 na LGU na ang Bugallon para ihatid ang programang Tulong Pangkabuhayan.
Sa bawat bayan, may 25 na benepisyaryo ang dumaan sa masusing proseso ng pagpili ng kanilang migrant desk officer ayon sa tatlong criteria na cause of repatriation, number of months/years OFW worked abroad, at ang economic situation.
Bawat benepisyaryo rin ay nakakatanggap ng tig limang libong piso para maging tulong sa kanilang at malaking din umanong tulong ang programa ng lalawigan na pamimigay ng ayuda sa mga OFW na nawalan ng trabaho bilang pang-umpisa ng kabuhayan sa hirap ng buhay.
Ang ayuda ay bahagi ng Tulong Pangkabuhayan sa OFW Project ng LGU-Pangasinan na layuning mabigyan ng puhunan ang bawat displaced OFWs para magnegosyo.