3.5 million na mga bisita ang inaasahang dadagsa sa Manila Memorial Park sa Sucat, Parañaque

Aabot sa hanggang sa 3.5 million na mga bisita ang inaasahang dadagsa sa Manila Memorial Park sa Sucat, Parañaque haggang sa November 2.

Ayon sa Park Manager Jocelyn Capule sa ngayon ay mahigit 1.1 million na ang nakahimlay sa Manila Memorial Park.

Nagpaalala naman si Capule na sa November 2 ay magbubukas lamang ang sementeryo mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi.


Nagpaalala rin ang pamunuan ng Manila Memorial Park sa mga bisita na magparada ng sasakyan sa bandang kanan lamang ng mga gilid ng kalsada.

Ito ay upang maiwasan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko lalo na’t dumadagsa na ngayon ang malaking volume ng mga sasakyan.

Facebook Comments