Matatanggap ngayong Hunyo ng 3.5 milyong low-income families na hindi kabilang sa una at ikalawang tranche ang kanilang Social Amelioration Program (SAP).
Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Undersecretary Camilo Gudmalin, ang 3.5 milyong pamilya ay kabilang sa 5 milyong inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte para madagdag sa mga benepisyaryo.
Ang mga pamilyang ito ay mula sa Central Luzon, Aurora Province, National Capital Region (NCR), CALABARZON, Benguet, Pangasinan, Iloilo, Cebu Province, Bacolod City at Davao City, Albay at Zamboanga City.
Nilinaw naman ni Pangulong Duterte na hindi na sakop ng second tranche ng COVID-19 emergency subsidy ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga manggagawa sa pitong rehiyon.
Kabilang rito ang mga manggagawa mula Regions 4-b, 5, 8, 9 12, Cordillera Administrative Region (CAR) at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Paliwanag ng Pangulo, ang mga manggagawang ito ay itinuturing na ineligible dahil ang cash aid na kanilang matatanggap ay katumbas din ng subsidy ng DOLE na P5,000.