Nakakuha si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ng 23.6 bilyong dolyar investment pledges mula sa limang bansang kanyang pinuntahan nitong mga nakalipas na buwan.
Ito ay batay sa ulat ng Office of the Press Secretary (OPS), matapos ang ginawang year-end report ng Department of Trade and Industry (DTI), partikular ang DTI Board of Investments o BOI patungkol sa mga nakuhang investments pledges ng pangulo sa mga biyahe nito sa Indonesia, Singapore, United States, Cambodia at Thailand.
Kasama rin sa year-end report ng trade department ang kasalukuyang government export registered and generated investment.
Sa ulat pa ng OPS na batay sa DTI’s performance report, inaprobahan ng BOI at Philippine Economic Zone Authority (PEZA) ang approved investment na ₱402 billion na makakapagbigay ng 54,217 na trabaho sa bansa.
Sa ilalim ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act, may naprobahang mga proyekto ang BOI as of August ngayong taon na aabot sa ₱46.7 billion, at mayroong pang tinutulungang 1,994 investors na gustong magnegosyo sa Pilipinas.
Nakapag-generate rin ang BOI ng 90 foreign investment na may estimated value na ₱204.9 billion na makakapagbigay ng 98,393 local jobs sa Pilipinas.
Pagdating naman sa active export recovery efforts ng Marcos administration, sa report ng DTI mayroong $17.7 billionhalaga ng exports sa services, hanggang 13.5% mula sa dating record.
Mayroon na ring posted na $58.3 billion exports in goods ang bansa na tumaas ng 4.7% habang mayroon pang 3,922 exporters ang inaasistehan pa ng DTI.