3.6 million na backlog sa license plate, ilalabas na ng LTO sa first quarter ng 2018

Manila, Philippines – Sa unang hati o quarter ng 2018, mai re-release na ang 3. 6 million na backlog na plaka ng sasakyan ng Land Transportation Office.

Ito ang tiniyak ni LTO Chief Edgar Galvante na nagsabing tapos na ang panuntunan sa bagong procurement process.

Aniya, kakayanin nila ang target deadline hanggat hindi sila aabalahin ng legal na balakid o kaya ay pamumulitika ng ilang grupo.


Aniya, sisikapin ng ahensya na mailagay sa ayos sa loob ng dalawang taon ang problema sa licesnse plates na iniwang problema ng administrasyong Aquino

Naniniwala ang LTO na ang pangmatagalang solusyon sa problema ay ang pagkakaroon ng sariling makina para sa lokal na license plates.

Facebook Comments