3.6 milyong Pilipino, kasalukuyang nakakaranas ng mental health issues ngayong pandemya

Umabot na sa 3.6 million Pilipino ang nakakaranas ngayong pandemya ng mental health issues.

Ayon kay Department of Health Disease Prevention and Control Bureau Chief Health Program Officer Frances Prescilla Cuevas, sa nasabing bilang, 1.14 million ang may depresyon, 847,000 ang mag alcohol-use disorders habang ang 520,000 ay may bipolar disorder.

Aniya, isa rin sa tatlong COVID-19 patients ang diagnosed na may neuropsychiatric condition, anim na buwan matapos tamaan ng virus.


Paliwanag ni Cuevas, maliit na bilang pa lang ito dahil hindi pa kumpleto ang kanilang hawak na data.

Facebook Comments