3.65 milyong pisong halaga ng mga kagamitan mula Amerika, natanggap ng PNP Maritime Group

Nakatanggap ng 3.65 milyong pisong halaga ng kagamitan mula sa Estados Unidos ang Philippine National Police Maritime Group (PNP-MG) na makakatulong para mapalakas ang kanilang investigation capability.

Ang mga kagamitang donasyon ay ang 12 set ng scuba gear, underwater evidence collection items, at training equipment.

Parte ito ng Underwater Crime Scene Investigation program ng Estados Unidos na sinimulan noong 2016.


Mismong si PNP-MG Director Police Brig. Gen. John Mitchell Jamili ang tumanggap ng mga kagamitan nitong Lunes sa Camp Crame mula sa mga kinatawan ng U.S. Department of State, U.S. Department of Defense, at U.S. Coast Guard.

Facebook Comments