Mayroon nang bank accounts ang nasa 3.7 million registrants ng Philippine Identification System (PhilSys).
Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua, 26 na milyong pamilya ang target nilang mabigyan ng access sa bank accounts.
Bukod sa mapapabilis ng national ID ang mga transaksyon sa gobyerno, maaari din aniya itong makatulong sa distribusyon ng mga bakuna sa general population sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Sa ngayon, aabot na sa 36,047,288 indibidwal ang nakakumpleto sa Step 1 registration sa PhilSys simula nang umpisahan ito noong Oktobre 2020.
Facebook Comments