Niyanig ng 3.9 magnitude na lindol ang bayan ng Governor Generoso, lalawigan ng Davao Oriental pasado alas-3:17 ngayong umaga.
Batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nasa layong 138 kilometero silangan ng karagatan ng nasabing bayan ang episentro ng lindol.
May lalim ang lindol na 40 kilometers at tectonic ang pinagmulan ng pagyanig.
Ayon sa PHIVOLCS, walang inaasahang mga aftershock at wala ring naitalang nasugatan at nasirang mga ari-arian na dulot ng pagyanig.
Pero ayon sa ahensya, ang nasabing pagyanig ay aftershock ng 7.1 magniude na lindol na tumama sa Governor Generoso, Davao Oriental noong Agosto 12.
Facebook Comments