3 Africans, arestado dahil sa pekeng passports

16

Tatlong Africans ang inaresto ng Bureau of Immigration (BI) matapos magtangkang pumasok sa bansa gamit ang pekeng passport.

Ang naturang Africans ay naharang sa NAIA matapos dumating sa bansa mula Istanbul, Turkey sakay ng Turkish Airlines.

Ayon sa BI, ang Africans ay gumamit ng pekeng Ghana passports para hindi na sila ma-obliga na kumuha ng entry visa kapag papasok ng Pilipinas.

Ang naturang mga dayuhan ay nakakulong na ngayon sa BI Detention Facility in Camp Bagong Diwa, Taguig City para harapin ang kanilang kaso hinggil sa paglabag Philippine Immigration Act.

Facebook Comments