Inilagay sa blacklist ng Department of Agriculture (DA) ang tatlong agricultural food importer dahil sa illegal trade activities.
Kabilang sa blacklisted ay ang LVM Grains Enterprises, na nag-import ng milled rice, cashew nuts, at kape nang walang kinakailangang sanitary at phytosanitary import clearances.
Inilagay rin ng Bureau of Plant and Industry (BPI) sa kanilang blacklist ang Kysse Lishh Consumer Goods Trading at Golden Rays Consumer Goods Trading dahil sa pag-i-import ng mga sibuyas at dalandan nang walang SPIC permit at import licenses.
Ayon sa BPI, limang iba ang susunod na sususpindihin ang kanilang lisensya sa pag-import dahil sa mga maling pagdedeklara, iligal na pag-aangkat, at anti-competitive trade practices.
Nauna nang nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act na nagpapataw ng mas mahigpit na multa at mas mahabang panahon ng pagkakakulong para sa mga sangkot sa smuggling at hoarding ng mga produktong pang-agrikultura.