3-anyos, inatake ng leon, idinala sa puno sa isang park sa California

423

Ikinagulat ng isang 3-anyos ang biglang pag-atake ng isang leon sa kanya habang sila ay nasa isang wilderness park sa California nitong Lunes, Enero 20.

Ayon sa awtoridad, naglalakad noon ang biktima kasama ang kanyang pamilya sa Whiting Ranch Wilderness Park sa Orange County nang umatake ang naturang hayop.


Nileegan ng leon ang biktima saka sinimulang idala sa puno.

Para lituhin ang naturang hayop, binato ng tatay ng biktima ang kanyang bag para mailigtas ang kanyang anak.

Agad na nagsagawa ng aksyon ang Department of Fish and Wildlife para mapababa ang leon mula sa puno.

Naidala naman sa pinakamalapit na ospital ang biktima at kasalukuyan ng nasa maayos na kondisyon.

Facebook Comments