3-anyos na babaeng gusto ng Pikachu doll, na-stuck sa loob ng claw machine

69
COURTESY: Pear Video

Isang batang babae sa China ang tila hindi na nakatiis pa at gumapang paloob ng isang claw machine para sa stuffed toy na Pikachu.

Ayon sa Pear Video, nangyari ang insidente sa isang mall sa Dongguan, matapos makahanap ng tiyempo ang bata na humiwalay sa nanay nitong karga-karga ang isa pang anak habang tulak naman ang isa pa sa stroller.


Kalmado naman daw ang bata na 30 minutong nanatili sa loob bago dumating ang may-ari ng shop na may hawak ng susi sa machine.

Hindi rin aniya nasaktan ang bata, ayon sa pulisya.

Tila nababahala naman ang ilan sa dami ng napapabalitang insidente ng mga batang pumapasok sa claw machine.

Kamakailan lang nang may 3-anyos bata rin na na-trap sa claw machine sa Mansfield, Nottinghamshire.

Facebook Comments

From Advertisers