3 Anyos na Bata, Patay Matapos Sagasaan ng Bus!

Cauayan City, Isabela- Nasa kustodiya parin ng PNP Cauayan ang driver ng Victory Liner na nakasagasa kagabi ng isang 3 taong gulang na bata sa Brgy. Alinam, sa lungsod ng Cauayan.

Ayon sa salaysay ni Pedro Aquino Jr., tiyuhin ng biktimang si Algie Valdez, galing sila sa isang lamayan kagabi at habang sila ay nasa gilid ng pambansang lansangang sakop ng Brgy. Alinam ay biglang nag-over take sa bandang kaliwa ang rumagasang victory liner dahilan para mahagip ang bata.

Agad na dinala sa isang pribadong pagamutan ang biktima pero sa nakuhang ipormasyon ng 98.5 iFM Cauayan ay binawian na ng buhay ang bata kaninang umaga.


Nakatakda rin magharap ngayong umaga ang mga magulang ng bata at ang driver ng bus na si Jehu Balangue para mag-usap kung isasampa ang kaso o makikipag-ayos ang pamilya ng biktima.

Facebook Comments