3-anyos sa US, nalunod sa pool habang nagsasaya ang kanyang pamilya sa likod-bahay

223

ARIZONA, USA – Patay ang isang 3-anyos na babae nang madulas ito at mahulog sa swimming pool habang nasa gitna ng party ang kanyang pamilya sa likod-bahay.

Sa report ng awtoridad, nasa 12 katao ang magkakasama sa isang bahay sa Glendale nang mangyari ang insidente noong Linggo.


Hindi raw namalayan ng pamilya ang nangyari dahil may inaasikaso rin silang isa pang bata noong araw na iyon.

Nahulog sa pool ang biktima at nang masagip makalipas ang ilang oras, agad nagsagawa ang CPR ang isang miyembro ng pamilya.

Tumulong na rin daw ang isang nurse na kapitbahay hanggang makarating ang emergency crews sa pinangyarihan ng trahedya.

Sa kasamaang palad, hindi na naisalba ang bata at idineklarang patay na nang makarating sa ospital.

Paalala naman ng mga opisyal, tingnan maigi ang mga kasamang bata habang malapit sa mga katubigan.




Samantala, napag-alaman naman na isa lang ang biktima sa apat na batang nasa lugar nang mangyari ang insidente.

Sa salaysay naman ng naiwang pamilya, ipinagdiwang lang nila ng magkakasama ang holiday weekend kaya umano sila nag out of town.

Hindi naman magsasampa ng anumang reklamo sa sinumang miyembro ng pamilya ayon sa pulisya.

Facebook Comments