Pinalawig ng Philippine National Police – Civil Security Group (PNP-CSG) sa tatlong araw ang ipatutupad na gun ban kasabay ng ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ayon kay CSG Spokesperson, PLt. Col. Eudisan Gultiano, suspendido ang permit to carry firearms outside of residence (PTCFOR) mula alas-12 ng hatinggabi ng Sabado, July 20 hanggang alas-11:59 ng gabi ng July 22 o ang mismong araw ng SONA.
Paglilinaw pa ni Gultiano, epektibo lamang ang nasabing gun ban sa National Capital Region taliwas sa mga naunang anunsyo na nationwide ang pagpapatupad nito.
Paalala ng PNP, tanging ang mga naka-duty na uniformed personnel lamang ang papayagang magdala ng baril sa mga nabanggit na araw.
Facebook Comments