Tatlong araw na mental health wellness leave para sa mga empleyado, isinulong sa Kamara

Ipinapanukala ni House Deputy Speaker at Las Piñas Representative Camille Villar na magkaroon ng tatlong araw na mental health wellness leave ang mga empleyado sa gobyerno at pribadong sektor.

Nakapaloob ito sa House Bill number 10929 na inihain ni Villar na nag-aatas na dapat bayad nang buo ang nabanggit na 3-day mental health wellness leave para sa lahat ng mga empleyado sa buong kapuluan.

Layunin ng panukala ni Villar na mapag-ibayo ang labor productivity at efficiency ng mga mangagawa.


Daan din ang panukala ni Villar para mapalawak ang kaalaman hinggil sa kahalagahan ng mental health hindi lang para sa bawat manggagawa kundi sa ikabubuti ng buong bansa.

Ayon kay Villar, ang kanyang panukala ay umaayon sa Republic act No. 11036 o ang Mental Health Act na nagtataguyod sa karapatan ng bawat Pilipino para sa maayos na mental health at mahusay na mga serbisyo hinggil dito.

Facebook Comments