Irerekomenda ng National Task Force Against COVID-19 na ideklarang special holidays o executive holidays ang tatlong araw na National Vaccination Day.
Magaganap ito mula November 29 hanggang December 1.
Ayon kay NTF Against COVID-19 chief implementer at Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., sakaling maaprubahan ay malaking tulong ito para maabot ng gobyerno ang target na population protection sa bansa bago matapos ang taon.
Habang layon din ng panukalang pagtuunan muna ng pansin ng mga tao ang pagbabakuna sa vaccination days.
Wala ring dapat atupagin ang mga ahensiya ng gobyerno kundi ang pagbabakuna sa mga nasabing panahon.
Facebook Comments