3 araw na transport strike na isinagawa ng grupong MANIBELA, walang naitalang untoward incident —PNP

Ayon sa Philippine National Police (PNP), walang naitalang untoward incident ang ahensiya mula sa tatlong araw na transport strike na isinagawa ng grupong MANIBELA.

Ayon kay Acting PNP Chief Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez, Jr., mapayapa at maayos ang naging sitwasyon sa mga lugar na apektado ng nasabing transport strike.

Kaugnay nito, nakipagtulungan din ang PNP sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Department of Transportation (DOTr), at mga lokal na pamahalaan para sa pagbabantay sa mga rutang apektado ng isinagawang strike.

Nagsimula ang nasabing strike noong Oktubre 13 at natapos kahapon kung saan isinagawa ito sa Quezon City at sa mga karatig lalawigan nito sa Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon.

Tiniyak naman ng PNP na nananatiling alerto ang ahensiya at handang rumesponde sa anumang sitwasyon.

Facebook Comments