3, arestado sa iligal na sugal sa Ermita, Maynila

Kalaboso ang tatlong lalaki matapos mahuling iligal na magsusugal sa Ermita, Maynila.

Nakilala ang mga nadakip na sina Janno Gharde, Marvin Rebeche at Juan Pataray.

Nabatid na nagsasagawa ng pagpapatrolya ang ilang tauhan ng ermita police station ng maispatan nila ang tatlo na nagkakara-krus sa may bahagi ng U. N avenue kanto ngg Chiruca street.


Nang lapitan ng mga pulis ang mga suspek ay tila balewala lamang sa kanila na may presensiya ng mga otoridad at nagpatuloy sa pagsusugal.

Dito na ipinaalala sa kanila ang PD 1602 o ang pagbabawal sa iligal na sugal kaya’t agad silang dinampot saka kinumpiska ang perang pantaya na aabot sa P340.00 at tatlong piso na ginagamit sa kara-krus.

Aminado ang tatlo na nagsusugal bilang pampalipas ng oras kung saan hindi nila aakalain na aarestuhin sila lalo na’t maliitan lamang daw ang kanilang pera na kanilang itinataya.

Facebook Comments