3- arestado sa search operation-mga baril nakumpiska

94

General Santos City— arestado ang tatlong lalaki matapos itong nakunan ng mga baril at bala sa isinagawang search Operation na inilusad ng Regional Drug Enforcement Unit o (RDEU) sa Phase 2, Prk. Malunlad, Barangay Apopong kaninang alas 3:00 ng madaling araw.
Kinilala ni Police Supt. Maximo Sebastian, Hepe ng RDEU ang mga suspek na sina Mohammad Salente, legal age; Aminola Hatab, 27; at Hatar Usman, parehong residenti ng nasabing lugar.
Nakuha sa posisyon ni Salente ang (1) cal. 45 na may (12) bala, (1) unit ng shotgun at (6) na bala at (1) UZI.
Nakuha naman kay Hatab ang (1) cal. 45 habang nakuha sa posisyon ni Usman ang (1) cal. 45 at (7) bala.
Sinabi ni Police Supt. Maximo Sebastian na matagal ng minamanmanan ng kanilang tropa ang nasabing mga suspek matapos na may mga report na silay involved sa illegal drugs at iba pang krimen dito sa lunsod.

Facebook Comments