3 Babae, Huli sa Pagsusugal ng ‘Tong Its’

*Cauayan City, Isabela*- Nakapagpiyansa na ang tatlong babae matapos mahuli sa aktong pagsusugal ng ‘tong its’ sa Brgy. Lucban, Abulug, Cagayan kamakalawa.

Nakilala ang mga suspek na sina Felisa Andres, 45 anyos, may asawa; Evangeline Arnedo, 39 anyos, may asawa at Lerma Bulan na kapwa mga residente ng Brgy. Lucban, Abulug, Cagayan.

Ayon sa report ng Abulug Police Station, narekober sa mga ito ang dalawang (2) playing cards, bet money na nagkakahalaga ng P1,207.00 maging ang lames ana ginagamit sa pagsusugal.


Nagpaalala naman ang pulisya na iwasan na ang pagsusugal para hindi matulad sa nangyaring sa tatlong ginang.

Facebook Comments