3 Bagong Black Hawk Helicopter, Inaasahang Darating sa Isabela Ngayong Araw

A U.S. Army UH-60 Black Hawk helicopter flies over the Gaiziunai Training Area during the combined Lithuanian and U.S. training exercise at the Gaiziunai Training Area some 110 kms (69 miles) west of the capital Vilnius, Lithuania, Tuesday, July 7, 2015. (AP Photo/Mindaugas Kulbis)
Cauayan City, Isabela- Inaasahan ngayong umaga, Enero 19, 2021 ang pagdating ng tatlong bagong Black Hawk Helicopters na binili  mula sa Poland para magsagawa ng proficiency flight.
Posibleng lalapag mamayang alas 10:00 ang tatlong Sikorsky s-70i Black Hawk helicopters na manggagaling sa Clark, Pampanga sa Tactical Operations Group (TOG) 2 sa Lungsod ng Cauayan kasama ang Commander na si Col Augusto Padua.
Ang nasabing bilang ng Helicopters ay gagamitin para sa pagsasagawa ng iba’t-ibang operasyon gaya ng pagbibigay ng humanitarian assistance, disaster response, rescue operation, medical and casualty evacuation, aerial reconnaissance, troop insertion and extrication, combat resupply, combat serach-and-rescue, limited close air support at pang transport sa mga equipment at indibidwal habang may COVID-19 pandemic.

Facebook Comments