3 bagong data centers na magpapatatag sa digital power, binuksan sa bansa — Malacañang

3 makabagong data centers ang binuksan sa Carmona, Cavite na magpapalakas sa digital infrastructure ng bansa at tutulong sa paglago ng mga negosyo sa finance, telecommunications, at cloud services.

Ayon sa Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro, ang proyektong ito ng US-based company na Equinix ay patunay na tiwala ang mga dayuhang mamumuhunan sa Pilipinas at ng masinsinang pagtutok ng administrasyong Marcos sa digital transformation.

Naniniwala ang Malacañang na ang mga bagong pasilidad ay magpapatibay sa digital competitiveness ng bansa at magpapalawak sa papel ng Pilipinas sa global digital economy.

Layunin ng pamahalaan na gamitin ang teknolohiya para mapabilis ang serbisyo publiko at mapabuti ang pamumuhay ng mga Pilipino.

Facebook Comments