Mayroon naman tatlong bagong tala na positibo sa Coronavirus Diseases 2019 (COVID-19) ang Lungsod ng Taguig, kung saan may kabuoang bilang na ito 45.
Ito ay batay sa pinakabagong datos na Taguig City Health Office pasado alas 8:45 kagabi.
Maliban sa dito, nadagdagan din ng isa pang pasyente ng COVID-19 na nasawi, kung saan aabot na ng tatlo ang binawian ng buhay dahil sa sakit na dulot ng nasabing virus.
Batay sa record ng City health office ng nasabing lungsod, ang tatlong bagong kaso ng COVID-ay mula sa Sta. Ana, Fort Bonifacio at Ibayo.
Ayon kay Taguig City Mayor Lino Cayetano na patuloy umiikot ang Barangay Health Emergency Response Teams (BHERT) katuwang ang Taguig City Containment Team para ma-monitor at ma-contain sa mga Barangay ang mga kaso sa lungsod kasama na ang mga Persons Under Monitoring (PUMs) kung saan nasa 185 na ito at Persons Under Investigation (PUIs) na nasa 149 naman.