3 Bahay, Nasunog sa Lalawigan ng Cagayan

13

Cauayan City, Isabela- Natupok ng apoy ang tatlong (3) magkakatabing bahay na gawa sa light materials sa Barangay Alimannao, Peñablanca, Cagayan.

Kinilala ang mga biktima na may-ari ng bahay na sina Mark John Pamittan, Frank Arugay, at Jayson Pataueg pawang mga nasa hustong gulang at residente sa naturang lugar.


Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nakarinig ng putok sa loob ng bahay ang isa sa asawa ng mga biktima at bigla na lamang nagkaroon ng apoy at tinupoy ang kanilang mga bahay.

Agad naman itong isinaklolo sa BFP kaya’t naapula rin ang sunog subalit totally burned na ang tatlong bahay.

Wala namang nasaktan sa nangyaring sunog at tinatayang nasa mahigit kumulang Php30,000.00 ang halaga ng nasunog na mga bahay.

Lumabas din sa imbestigason ng pulisya, octopus wire connection ang nakikitang sanhi ng sunog.

Facebook Comments