Nag-alok ng P20-M pabuya si Pangulong Rodrigo Duterte sa sinumang Pilipinong makagagawa ng mga respirators na maaaring magamit ng COVID-19 patients sa bansa.
Paliwanag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, batid ng pamahalaan ang pangangailangan ng mas marami pang respirators sa mga ospital sa gitna ng patuloy na pagtaas sa bilang ng COVID-19 cases.
Matatandaang una na ring nag-alok ng P50 milyon pabuya ang Pangulo sa sinumang Pilipinong siyentipiko na makagagawa ng bakuna laban sa COVID-19.
Facebook Comments